Tuesday, February 15, 2005

MADUGO

MADUGO


Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Valentayns Day kahapon ay ang sunud-sunod na pagsabog sa iba't ibang parte ng bansa. Isa na rito ang kahabaan ng EDSA cor. Ayala sa Makati. Ayon sa balita isang bus ang sumabog na yumanig sa mga katabi pa nitong bus at ilang katabing establishment na nagiwan ng dalawang nagliliyab na bus sapagkat nadamay na rin ang katabi nitong mga Bus. Ayon sa ulat ng inq7.net pito ang tinatayang patay sa pambobomba at 151 ang sugatan kasama na dito ang nasaktan, nasugatan at napatay sa pambobomba sa Davao at General Santos City. Marami ngayon ang naghaka-haka ukol sa kung sino ang nagpasimuno ng karahasang ito. Ang iba ini-lilink ito sa kasalukuyang nagaganap na matinding opensiba ng pamahalaan sa break-away forces ni Nur Misuari, ang iba naman ay nagsasabing isa na naman itong terrorism attack ng Al Quedaa at ang iba sa di pa ring mamatay-matay na Abu Sayyaf Group. Ano man ang kasagutan, isa lang ang nabuo sa isip ko, marami na naman ang nadamay na sibilyan sa isang walang kakwenta-kwentang karahasan. Madugo! Walang kalaban-laban!

Image Hosted by ImageShack.usAyon sa huling ulat sa pambobomba sa Makati, meron nang na-identify na suspek. Isang cartographic sketch ang nilabas ng pulisya na sangkot sa nasabing pangbobomba. Narito ang larawan. Kung kilala o alam ang kinaroroonan ng nasa larawan maaaring ipagbigay alam sa pulisya. Naglaan na ang Hepe ng Philippine National Police na si Director General Edgardo Aglipay ng P500,000 piso(9,200 dolyar) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng tao sa larawan. Sinasabing ang suspek ay may fair complexion, 5'4 hanggang 5'6 ang taas. Katamtaman ang pangagatawan, naka-puting t-shirt at puti ring sapatos.

Para sa mga bagong balita mag-tune in lamang sa mga radyo at pahayagan asahan din ang maraming TV coverage!

Ito po ang inyong tagapagbalita, Ventot, naguulat!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home