Tuesday, February 15, 2005

MADUGO

MADUGO


Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Valentayns Day kahapon ay ang sunud-sunod na pagsabog sa iba't ibang parte ng bansa. Isa na rito ang kahabaan ng EDSA cor. Ayala sa Makati. Ayon sa balita isang bus ang sumabog na yumanig sa mga katabi pa nitong bus at ilang katabing establishment na nagiwan ng dalawang nagliliyab na bus sapagkat nadamay na rin ang katabi nitong mga Bus. Ayon sa ulat ng inq7.net pito ang tinatayang patay sa pambobomba at 151 ang sugatan kasama na dito ang nasaktan, nasugatan at napatay sa pambobomba sa Davao at General Santos City. Marami ngayon ang naghaka-haka ukol sa kung sino ang nagpasimuno ng karahasang ito. Ang iba ini-lilink ito sa kasalukuyang nagaganap na matinding opensiba ng pamahalaan sa break-away forces ni Nur Misuari, ang iba naman ay nagsasabing isa na naman itong terrorism attack ng Al Quedaa at ang iba sa di pa ring mamatay-matay na Abu Sayyaf Group. Ano man ang kasagutan, isa lang ang nabuo sa isip ko, marami na naman ang nadamay na sibilyan sa isang walang kakwenta-kwentang karahasan. Madugo! Walang kalaban-laban!

Image Hosted by ImageShack.usAyon sa huling ulat sa pambobomba sa Makati, meron nang na-identify na suspek. Isang cartographic sketch ang nilabas ng pulisya na sangkot sa nasabing pangbobomba. Narito ang larawan. Kung kilala o alam ang kinaroroonan ng nasa larawan maaaring ipagbigay alam sa pulisya. Naglaan na ang Hepe ng Philippine National Police na si Director General Edgardo Aglipay ng P500,000 piso(9,200 dolyar) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng tao sa larawan. Sinasabing ang suspek ay may fair complexion, 5'4 hanggang 5'6 ang taas. Katamtaman ang pangagatawan, naka-puting t-shirt at puti ring sapatos.

Para sa mga bagong balita mag-tune in lamang sa mga radyo at pahayagan asahan din ang maraming TV coverage!

Ito po ang inyong tagapagbalita, Ventot, naguulat!

VALENTAYNS

VALENTAYNS


Image Hosted by ImageShack.usDapat sana mag-uupdate ako kahapon, February 14, Monday, kaso wala na akong pera pang-rent. Tangi kong dala eh perang pamasahe pauwi ng bahay! Sayang! Ang dami ko pa naman naiisip na topic ukol sa Valentines Day! Anyway, kahit huli ang update ko ok parin kasi kapupulutan pa rin ng umaatikabong kaalaman ang blog na ito.

Magumpisa tayo sa LOVAPALOOZA 2. Ayon sa aking balita mukhang patok na naman ang ginawang ito ng pamahalaang Maynila at ng kilalang brand ng toothpaste. Ayaw kong pangalan baka magkaroon pa sila ng libreng advertisement dito sa blog ko! Ginanap ang nasabing event hindi lang sa Maynila kundi sa iba pang parte ng bansa. Sa nakaraang LOVAPALOOZA 1, napagtanto ko na LIBERATED na talaga ang mga PINOY dahil malaya na nilang nalalantad ang kanilang paghahalikan sa PUBLIKO. Wala na ang Public Display of Affection (PDA) dahil magiging normal na ito ngayon. Eh ang SEX kaya ganun din ang magiging kapalaran?

Naalala ko nung nag-aaral pa ako sa PUP sta. mesa madalas mag-trapik kapag ganitong katorse ng Pebrero. Madaming jeep, madaming private vehicle at maraming taxi. Pero napansin ko noon na mas maraming Taxi na lumiliko sa kung saan. Uhm... Kadalasan ang laman ng mga Taxi eh madalas nakayuko. Nahihiya siguro.

Normal na araw sa akin ang ika-katorse wala gaanong nangyari. Umuwi lang ng maaga, natulog ng maaga para makagising ng maaga. Ganyan talaga, Masaya!

Sunday, February 13, 2005

BADDICTS

BADDICTS


Image Hosted by ImageShack.usNakikita niyo ba yang picture na ito. Kuha yan habang nagba-Badminton kami ng officemate ko sa Badminton Court malapit sa Toss&Smash na matatagpuan sa kanto ng Aurora Blvd. at Mangga road. Pero ano ang rason ko bakit ko ipinaskil ang picture na ito eh hindi nga kita dito ang mukha ko. Well, hindi un ang nais kong iparating, kung mapapansin niyo sa ibaba ang petsa ng larawan. Dated 07-03-04, as in July 30, 2004 eto ang istorya... Simula ng July 30, 2004 hindi na muli ako nakasama sa Badminton gimmick ng mga ka-officemate ko. Ibig sabihin 7 months na akong hindi nakakapaglaro. Biruin mo yon antagal na panahon din iyon. Samantalang ang mga ka-officemate ko na kasabayan ko eh..BADDICTs na sa Badminton. Kapag Baddict ka na lahat ng luho ng paglalaro ng Badminton gagawin mo para masunod lang ang layaw mo sa paglalaro. Nariyang bumili ka ng halos halagang 2 libo para sa one-piece na badminton racket. Andyan ang pagbili mo ng indoor shoes na hindi mo gagamitin na panglakad dahil panglaro mo lang ito. Bibili ka rin ng mga mamahaling gadgets for playing Badminton at ang pinakahuli dito ay sasali ka sa Tournament na may registration fee na 600 kasama na ang t-shirt w/ guaranteed 3 plays na matatalo dahil magagaling ang kalaro at di kayo magkasundo ng co-player mo.
Naku! Buti na lang hindi ako naging BADDICTs ang gastos! Pero ito ang problema ko, tumataas ang timbang ko, nyaks! Wala kasing ginagawa! Naku! kailangan may gawin muli kaya napagdesisyunan ko na bumalik sa paglalaro! SOLUSYONG MAGASTOS!

Wednesday, February 09, 2005

BUSOG

BUSOG



Image Hosted by ImageShack.us

Busog ako kanina... Nagdaos nang unting salu-salo ang Research Dept. at ginanap iyon sa Little Asia Tomas Morato. Fave ko ung pinagmamalaki nilang crispy spring chicken. Naparami nga yata ung nakain ko. Nakalimutan ko ung name nung fried rice nila. Ang sarap kasi kaya siguro nakalimutan ko. hehehe! Ano pa ba sasabihin ko parang wala na pinapahaba ko lang itong mga salita para medyo proportionate sa picture hehehe! Mahilig din akong mang-inggit lalo na pagdating sa pagkain. Nyaks! Ang sarap talaga ng libre!













Image Hosted by ImageShack.us Haay! ang sarap balik-balikan! Nga pala, meron akong ginagawang artik-serye pinamagatan ko itong iSKOLAR. Kung dumadalaw kayo ng PEYUPi.com tiyak kahit papaano nahagip na ng mga mata ninyo ang Changes na gawa ni MHYLO a.k.a. Dave at ang SAAN? ni Tim a.k.a BOB. Dahil naging tradisyon na yata ang paggawa ng artik-serye, bilang pagsunod gumawa ako ng sarili ko. Ang iSKOLAR ay tumatalakay ng mga iskolar ng bayan. Tumatalakay rin sa mga estudyanteng mulat sa kalagayan ng bansa at handang ipaglaban ito. Para rin sa mga estudyanteng walang pakialam sa mundo at mga lider-lideran sa student council. Ah basta ayaw kong magbigay ng unting hinuha dito. Masyado kasing aksaya sa oras nasa Computer Shop lang kasi ako ngayon. HEHEHE!

Honga pala ang link sa artik-serye na iSKOLAR sa susunod na lang masyadong gahol sa oras ngayon. Kasalukuyan din kasi akong nagchachat sa PEYUPi.

Thursday, February 03, 2005

tuwa

TUWA




Nakikita nio ba ung nasa kaliwang parte ng blog ko. Hindi ung picture ko, alam ko cute, kaya wag mo pagdiskitahan, ung PEYUPi On the Cover eMagazine. Nabasa mo ba ung nakasulat, kung hindi pa basahin mo kasi muna, ok yan. Kung nabitin ka at gusto mong ipagpatuloy ang pagbabasa, maaari mong i-click ang link dyan sa bandang ibaba ng blurb. Well, kung nagtataka kung ano nanamang pakulo iyan, nagkakamali ka hindi yan chain letter na kailangan mong i-pass sa sampung tao para mabuhay ka lang. Isang artikulo iyan na ginawa ko para sa PEYUPi.

Nagtataka ka ba? Well, kung hindi mo naitatanong isa akong active member ng PEYUPi. Umaatend ng mga EB, nagrereply sa mga forums at nagchachat sa LOUNGE. Napakasaya dun ang kukulit ng mga tao parang ako. Marami ring magagaling magsulat gaya ko. hehehe. Joke lang! Honga pala kung gusto mong sumali sa pinakabagong kinahuhumalingan ng barkadahang PEYUPi aba wag ka nang magpahuli, i-click na ang link ng PEYUPi dyan sa kaliwa at habang buhay ka nang payapa.

Ngayon nga palang FEBRERO may binabalak na isang malaking event ang PEYUPi, kapag sinabi kong malaki as in malaki, malaki ang venue! Kasi nga patuloy na kaming dumarami at di na kaya sa mga maliliit na place. Kaya nais namin itong ganapin sa isang malawak at malaking place tulad ng WOW WOWee PHILIPPINES. Gusto mo bang sumama? Aba magpamember ka muna, di ung basa ka lang ng basa ng blog ko. hehehe nwei, maganda rin yan.

Malapit ko nang makamit ang ika-1,000 hits achievement sa akin yan pagnagkataon biruin mo, ikaisanlibong beses ko nang binabalik-balikan ang site ko! hehe ako lang pala ung 1,000 visitor na iyon. :D

LUMBAY

LUMBAY



PEBRERO na naman! At sa tuwing Pebrero isa lang naman ang naiisip ng lahat ang VALENTINES DAY! Pagkatapos pa lamang ng New Years day pinaguusapn na yang buwan na iyan. Sa PEYUPi forums nga puro love article, love discussions at lovvy dovey. Well, di ko naman masisisi ang ilan kung excited sila sa araw na iyon. Araw nga naman ng mga PUSO, araw ng mga magkakasintahan, araw ng magkaka-ibig-an at araw ng mga taong nanliligaw at nililigawan. Pero siempre inde lang naman ito tungkol sa mga magkakapartner, pwede rin ang mga grupu-grupong magkakaibigan. Mga grupo ng walang partner at ang inaasahan na lamang ay ang mga kaibigang matapat at maaasahan. Pero paano kung wala rin sila rito. Mga kaibigang dapat karamay mo sa oras na kailangan mo sila, sa oras na malamig ang gabi, sa oras na walang laman ang bituka at bulsa. Haaaay!