Sunday, January 09, 2005

Inuman sa Kapaskuhan!

Inuman sa Kapaskuhan!




Sa tuwing darating ang kapaskuhan dito sa aming barangay na puno ng tambay, hindi nawawala ang mga lamesang nakahambalang sa daan at ang grupu-grupong nagpapalitan ng tama sa katawan. OO tama ka! Inuman na naman!

Inumang magdamagan, inumang arawan at inumang lingguhan lahat iyan present sa aming pamayanan. Kadalasan sinasabayan din ng unting kantahan para di mamalayan ang nakakabangengeng lasingan. Halos araw-araw simula nung Pasko hanggang bagong taon walang tigil ang pagtaob sa mga bote ng Gin, Fundador, Beer at kung anu-anong pang inuming nakakalasing. Nakahambalang sa mga daan na waring di-alintana ang mga taong nagdaraan.

Sa bawat kabahayan din, may sari-sariling mini-inuman. Ito ay kinatatampukan ng mga binatilyo at kabataang susunod sa yapak ng mga sunog-baga ng lipunan. At siempre, di nakaligtas ang aming kabahayan. Sa may bandang likuran ng aming tahanan, naglatag na ng mesang paglalagyan, mga basong tutunggaan at siempre ang mga alak na pagtatagayan. Inuman na naman!

Masarap din dahil may mga kwentuhan, minsan nga bolahan na lang at kadalasan yabangan. Para kang nasa Bulagaan, na ganito ang linyang bibitawan wala ka sa lolo ko sabay susundan ng ganitong hirit mas astig ang lolo ko Minsan nakakatawa, minsan nakakatuwa, minsan nakakalungkot, minsan nakakaiyak at minsan din nakakapikon. Minsan buhay-buhay, minsan buhay-pagibig, minsan pati buhay ng kapit-bahay napagkwekwentuhan.

Magdamagan ang labanan, ang sumuka talo, ang matulog talo at ang matira, matibay at babansagang Sunog-Baga ng grupo. Mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-dose rin ng hapon kinabukasan. Daig ang dose oras ng pabrikang pakyawan. Walang tulugan, walang humpay ang tagayan. Animo ay Muro-Ami ang tipanan walang matutulog hanggat hindi pa pumapatak ang huling patak ng boteng inuman

Nauuna kadalasan maubos ang pulutan, paano ba naman nilalantakan din iyon ng mga batang nagdaraan at nakikikurot sa handang pulutan. Matapos ang inuman, tumba na ang mga bote, tumba na ang mga baso, tumba na ang mesa at tumba na rin ang mga nag-inuman. Tulog naman ang labanan, pambawi sa lakas na pinawalan at tiyak kinabukasan, panibago na namang serye ng inuman.

Pagsikat ng araw, kumpulan na naman. Para bang nagbabadya ng panibagong pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagbabadya ng labanan, nagbabadya ng tagayan, nagbabadya ng Inuman!

At mga ilang sandali pa, sa bandang likuran muli ng aming tahanan, naglatag ng mesang paglalagyan, mga basong tutunggaan at siempre ang alak na pagtatagayan. Eto na naman, umpisa na naman ng labanan, umpisa na naman ng tagayan, umpisa na naman ng Inuman!

Ako daw

UHMM..AKO DAW ITO..








You Are a Visionary Soul





You are a curious person, always in a state of awareness.
Connected to all things spiritual, you are very connect to your soul.
You are wise and bright: able to reason and be reasonable.
Occasionally, you get quite depressed and have dark feelings.

You have great vision and can be very insightful.
In fact, you are often profound in a way that surprises yourself.
Visionary souls like you can be the best type of friend.
You are intuitive, understanding, sympathetic, and a good healer.

Souls you are most compatible with: Old Soul and Peacemaker Soul