Tuesday, December 28, 2004

PLUGGING

PLUGGING




Inilibas na ang bagong aklat ni BOB ONG!
Ang ALAMAT NG GUBAT...


Presyo: P100 pero kung bibili ka sa Visprint Publishing P80 lang. Mabibili rin sa pinakamalapit na Sari-sari Store...este bookstore...

Wag nang magpahuli....Grab a Copy NOW!
Royalties from the sales of the book will go to:
National Center for Mental Health (NCMH)

9 de febrero, Mandaluyong City:)

Monday, December 27, 2004

magBLOG!

Kapag Walang Magawa, magBLOG!


Sa paghahanap ng magagawa at mababasa sa sapot ng kung anu-ano, napadpad ako sa Philippine Blog Awards: Where Filipino Bloggers get regcognized!. Ilang beses na rin akong nakabisita dito pero ngayon ko lang mas ninais magtagal. Ito ay sa kadahilanang inilabas na nila ang mga nagwagi sa2004 Philippine Blog Awards.

At dahil nga sa pagtingin-tingin ko sa mga naggagandahang designs ng mga nagwaging blog napadpad ako sa site ni Kuya BatJay ang Kwentong Tambay: Mga kwento ng isang tambay na engineer sa Singapore. Nasiyahan ako sa pagbabasa ng kanyang mga sinulat parang baliw na tinatawanan ang computer nakakahiya tuloy sa mga ka-office mates ko. Sa pagliliwaliw na iyon sa site ni Kuya Bat Jay napapindot ako at napadpad sa PinoyBlog: The Philippines according to Blogs. Nagbasa, napaisip, nakitawa, nakingiti, at nakijoin na rin ako habang nasa piling ng sapot na iyon. Nakibasa sa mga post ng mga pinoybloggers at sa tingin ko nga mga bigshot na ung mga miembro nila. Andun din kasi yung mga bloggers na madalas kong bisitahin ang blog ng hindi nila alam. Napaisip din tuloy ako kung sasali ako sa organisasyong iyon kasi nga naman, di hamak na ang gaganda ng mga design nila at ang gagara pa ng mga lenggwaheng ginagamit..puro wikang banyaga maliban lang ata kay Kuya Bat Jay at sa ilan. Mabalik tayo kay Kuya Bat Jay, sa pagbabasa ko kasi sa mga akda niya di ko mapigilan ang mapatawa at mapangiti at halos gumulong na rin sa mga kwento niyang pinaglalagay blog niya. Kaya pumili ako ng favorite kwento:

UMUUTOT DIN BA ANG ISDA? ni BatJay

"maaga akong nagising kanina dahil alas sais ng umaga ang flight ko. alas kwatro y medya pa lang ay pababa na ako sa hotel lobby. pag sakay ko ng elevator ay hindi ko napigilan na mautot. iniisip ko, maaga pa naman... sana wala akong makasabay. medyo mabaho kasi. sa sobrang bahu nga eh pati ako ay nabahuan. siguro kasi enclosed ang space. isa pa ay di ko nailabas ang kinain ko kagabi but let's not go there. anyway, nautot nga ako at ok na sana dahil ako lang mag-isa sa elevator. kaya lang a few floors after i farted, biglang bumukas ang pinto at may pumasok na stewardess sa emirates airline. nginitian niya ako pero bigla siyang napahinto at sumimangot. palagay ko ay naamoy rin niya ang utot. sasabihin ko sana eh - "nakikiamoy ka na nga lang, ikaw pa ang galit". kaya lang, di ko alam itong sabihin sa english kaya dinedma ko na lang siya at yumuko. pag bukas ng pinto sa lobby ay tumakbo na lang ako papalabas. sana di ko na siya makita ulit."

Napahalakhak talaga ako sa upuan ko at kamuntik na ring mapautot. (hahaha.) At dahil nga sa pagbabasa na iyon minabuti ko na ring makiJoin sa PinoyBlog parang gusto ko ngang pumunta sa Cabalen sa Christmas Party nila at aantayin kong magsayaw sa ibabaw ng mesa si Kuya BatJay (hehehe).
Mukhang marami pa akong matutuhan sa pagsali sa PinoyBlog at sana mabigyan nila ako ng pera, este ng mga tips pala on how to be a good blogger at mabiyayaan ng unting kagalingan sa pagsulat tulad nila.

Sunday, December 26, 2004

blogger archiving

SALAMAT sa ARCHIVING ng BLOGGER!


Inaayos ko na ang mga nakakalat kong artikulo sa blog na ito. Kung inyong napasin dalawang post na lang ang nakalagay, iyan ay sa kadahilanang inaayos ko na ang pagkakasunod-sunod nito. Actually ang post na ito ay isang test lang kung maayos kung nailagay ang lahat...hahaha..


Isang araw na rin ang nakalipas matapos ang pasko ngunit kahit huli na, nais ko pa ring bumati ng MERRY CHRISTMAS at PROSPEROUS NEW YEAR sa inyong lahat....