Sunday, November 21, 2004

2nd EB kwento

PEYUPi EB KWENTO



Narinig niyo na ba ung kasabihang.."kapag nasarapan e..inuulit-ulit at hinahanap-hanap" well, ganyan talaga siguro kapag nasarapan ka sa una, kaya hahanap-hanapin mo na ang ikalawa.



ganyan yata talaga....



kaya ayun, nagkaroon ng 2nd EB ang PEYUPi hehehe...at hahayaan kong ang mga imahe ang magkwento ng lahat...



mga tauhan

Image Hosted by ImageShack.us
Image Hosted by ImageShack.us

marco sison ikaw ba iyan? ah hindi si irvine yan! birit king!


Image Hosted by ImageShack.us

"isang mapagpalayang hapon...kantahan tayo!


Image Hosted by ImageShack.us

princess di pa nga tayo kumakain tulog ka kaagad..hehehe


Image Hosted by ImageShack.us

love team of the year!



tiyak na may pangatlo pa yan!


Sunday, November 14, 2004

Para sa iyo

Para sa iyo


Sana ay maintindihan mo ang aking ginawa. Ito ay paraan ko para tuluyan nang makapag move-on. OO, tama ang iyong nabasa, MOVE-ON, ngayon ko lang yan inamin sa iyo kasi ayokong isipin mo na nasaktan ako sa mga nangyari. Ayokong isipin mo na mali ang sinabi ko. Ayokong isipin mo na mahina ako at di kayang panindigan ang lahat ng ginawa ko. Ayokong isipin mo.

Ilang gabi rin akong umiyak ng palihim sa bawat gabing naaalala ko ang nakaraan. Ilang linggo rin akong nalungkot sa tuwing naalala kang luhaan. Ilang buwan din akong balisa sa tuwing nakikita ang iyong mga matang tulala at ilang taon din akong ganito palihim na nalulungkot at umiiyak dahil sa iyo. Ilan?

Marahil di ka naniniwala kasi madalas mo akong makita na masaya noon na para bang walang nangyari pagkatapos ng ating relasyon. Madalas mo akong makitang humahalakhak pagkatapos ng isang pagtitipon. Madalas mo akong makitang tumatawa pagkatapos ng klase natin sa maghapon at madalas mo akong makitang nakangiti sa bawat iyong paglingon. Madalas mo akong makita.

Lumipas na ang ilang taon, masaya ka na at masaya na rin ako. Nakamove-on kana at hindi pa rin ako. May bago ka nang karelasyon at masaya na rin ako. Ilang beses ko ring sinabi sa iyo na masaya ako sa lahat ng magiging desisyon mo. Nakangiti pa nga ako habang sinasabi iyon sa iyo at ngumingiti ka rin bilang ganti sa pagngiti ko. Madalas din kitang itext noong may cellphone na ako at madalas ka namang magreply sa mga text ko. Madalas din.

At ngayon, isang desisyon ang aking gagawin na alam kong gustong gusto mo rin. Maging maligaya nawa tayo sa ating pagbitiw at kanya kanya nating tuparin ang pangarap nating gustong marating. Nais ko rin namang patunayan na kaya kong marating pinangarap ko minsan. Pangarap para sa aking pamilya at sa pamilyang aking bubuuin. Lumakad na tayo ng pasulong at kamtin ang mga pangarap...At kung sa pagtahak natin sa daan ay muli tayong magkita, hayaan mong tuparin ko minsan kong sumpa..ang mailibre man lng kita--sa JOLLIBEE ba pwede na?