Sunday, October 31, 2004

[ANG SAPOT NA NAGUUGNAY SA DUGONG PUPIANS..]

[ANG SAPOT NA NAGUUGNAY SA DUGONG PUPIANS]



haay!!! ang aga pa ah...maka-internet nga...



[::Welcome to PEYUPI.com - Version 4:: ]


user name:
vivenz
password:
********

login Register

[forgot password ] [register } [log-in as visitor ]
[history ] [credits ]


connecting to peyupi.com...................................

waiting for peyupi.com.....................................

transferring data from peyupi.com..........................

done..


Welcome!



Lounge



Peyupi All topic of discussion is free for all
[send ][refresh ]

vivenz - hi peepz... (",)> andi2 nanaman ako as usual, pasilip silip lng..wala, ganun talaga eh..busy sa work alam nio na...well sa totoo lng nagbubusy-han lng minsan pero minsan talagang seryosong-busy talaga...

buhay na naman ang lounge..mas madalas sa umaga ako maglog-in mga before 8 am online na ako..andito na kasi ako sa office ng mga oras na un. Well, member ako ng online community na ito since September 11 of this year. Siempre kailangan ng history, nagchecheck ako ng emails ko noon and one message ang nasa inbox it was from Peyupi "robot" hehehe basta galing sa electronic peyupi and iniinvite ako na magregister muli sa peyupi online. Sabi ko sa sarili ko aba buhay pa pala ito. Kung hindi ninyo naitatanong member na ako ng 3rd version nito Peyupi.tk pa ang domain. Naalala ko ang avatar pa noon e ung pipili ka pa..si spongebob ang gamit ko pero napansin marami pala kaming ganun din ung avatar. Hindi pa gaanong pinansin noon kasi di masyadong interactive at hinahanap hanap ko noon ung parang peyups.com na articles ang laman. Kaya hindi ako naging active noon pagkatapos nakalimutan ko na....Hanggang dumating nga ang araw na iyon Sept. 11, 2004, sa inbox ko, sa message ko, sa pagclick ko....AYUN..

PEYUPI.com - An Online Community Website - Netscape

halos ilang buwan narin makalipas ang araw na iyon. Marami ng nangyari. Marami ng FRIENDS ang nai-add, marami nang TOPIC ang nareplyan, marami nang ARTICLES ang kinomentuhan at siempre marami na ring POINTS ang na-EARN. Kaya rin mas binalik-balikan ko ito kasi exciting ung lounge...online chat ng PEYUPI.com...

Nagumpisa ako bilang NEWBIE, siempre lahat naman, wala pa akong points noon. From zero to 19 medyo masipag sa pagrereply sa TOPIC at pagko-Comment sa mga Articles at pakikipagchat sa LOUNGE. After earning my 20th points, ABA! naging COPPER ako..nasa ibang level na ako ng pagiging member ng PEYUPI medyo mayabang na ako noon, paano ba naman hindi..eh iba na ang kulay ko sa LOUNGE ... kesa nung nagstart ako na puting puti...dahil sa sobra kong kasabikan mas lalo pa akong nagsipag makaEARN ng POINTS...hindi sa work nyak..hehehe (joke lng). Hanggang naging BRONZE na ngayon.

Pero hindi rin lng naman points ang habol ko...gusto ko rin makaEARN ng mga NEW FRIENDS..Kung dati rati kinacareer ko ang FRIENDSTER ngayon..sa PEYUPI.com na..may features rin kasi ito na parehas nang sa FRIENDSTER mas interactive pa kasi maabutan mo sila sa chat room ng PEYUPI...

Nakilala ko sina Renneth "the master" Suarez ang lumikha ng onlyn na komunidad, sina Clark, Konsento, Rozhette, mga masisipag na MODERATOR na nagbubura ng mga basura sa PEYUPI sa madaling salita mga Janitor...pero ito walang bayad..."CHARITY". At tuwing nakaonline ako sina Aleli (saludo ako d2), Kateshan, Lourdz, Princess, akiss, ady, Mackoy, lhye, alfie at myka ang madalas kong makaulayaw sa LOUNGE..maliban pa siempre sa mga JANITOR este mga masisipag na moderator ng PEYUPI.com. Sina Leigh at Jlagnayo naman ang mga ekonomista nating miembro ng PEYupI.com. Si Leigh na sikat sa mga taga-ECON at si Jlagnayo na naghahanap ng kasintahan sa LOUNGE hahaha..(iba ka pare..)

At nito ngang October 29, 2004 ganap na 8 ng gabi kasabay ng magdamagang lasingan sa MEGAMOL ay idinaos namin ang aming kauna-unahang UNOFFICIAL EB..nagkita kita rin kami sa mata..ng mga kasamahan natin sa PEYUPI...kung dati rati puno ang LOUNGE noong mga oras na yaon puno ang TRIPLE V...at kulang ang tao sa ACCENTURE...dami kasi taga-ACCENTURE na PUPIANs..hehehe.. Nagkasayahan..Nagkalokohan...at siempre Nagkainan...May isang game din na inihanda si CLARK and courtesy ito ng host company "ACCENTURE" hehehe JOke! Ang game ay tinawag na PEYUPIAN BINGO.. dito ay bibigyan ng 5 minuto ang lahat para paramihin ang autograph ng isang bingo sheet. Ito ay naglalayon na rin na magkakila-kilala ang PEYUPIAN community..at ito ang aking napa autograph..at kung bakit sila...:

Cute and CHUBBY - si GANDA bakit? basta cute sia

Has a calendar - Mackoy, bakit? dala yata nia ung calendaryo ng MERCURY

mukhang GENius - Leigh, siang tunay...di lang mukha..nagpafacial pa..hehehe sabi ni alfie..

tall, dark and pwede na - si Allan ang supporter, sabi ko nga sa kanya LOVER BOY..

kilabot ng PUP - clark hahaha ito ang tunay na kilabot...nakatanggap pa ng love letter

close up smile - alfie siempre mawawala ba si alfie sa close up smile sa camera

with dimples - si leniel ung boyfriend ni maria kenneth...hehehe si leniel ung mayari ng user name na nanalo sa timpalak na ito.

malaki ang - si renneth...natural...malaki..hehehe

ayan ung iba di ko na naoccupy ang bilis ng oras ...


MASAYANG KARANASAN...IBANG KLASENG KASIYAHAN DULOT NG PAKIKIPAGSAPALARAN SA SAPOT NA NAGUUGNAY SA MGA DUGONG PUPIANS.


LOG OUT.......


SIGN-OUT


YOU HAVE SUCCESSFULLY LOG OUT



[BACK TO LOG-IN PAGE?]



Sunday, October 10, 2004

ALAMAT NI VIVENCIO...

ALAMAT NI VIVENCIO



Image Hosted by ImageShack.us


"Ha! beinte uno na ako?"


Ang mga katagang yan ang gusto kong sabihin pag tuntong ng 7:oo ng gabi bukas. Sabi ng nanay ko gabi daw ako pinanganak at alas siete daw ito ng gabi Oktobre 11, 1983. Medyo magulo daw ng mga panahong iyon kasi ilang buwan palang namamatay si NINOY. Madalas daw ang black out. May swerte din naman ako kahit papaano kasi nung daw araw na ipapanganak ako e dapat daw eh magpapacheck up lang siya. Alam mo na pre-natal check up, sa Ospital ng Bagong Lipunan daw ito actually hindi naman daw dun nagpapapre-natal ang Nanay ko basta lang daw pumunta sila dun tapos bigla nalang inanounce ng Doctor na lalabas na daw ako. Siempre ito namang Nanay ko medyo may halong gulat pa at kaba kahit pangalawa nya na akong sanggol. Iniisip ko tuloy ung sitwasyong iyon siguro ganito:

Doktor: (habang may kinakalikot ako) Misis, may dala ho ba kayong baro-baruan ng bata at mga lampin na din kasi mamaya-maya pa eh isasalang ko na kau sa natal room.
Nanay: (medyo kabado kahit pangalawa na) ho! manganganak na ho ako, naku eh magpapacheck-up lang po sana ako eh....
Doktor: Naku, Misis kong uuwi pa kayo nian baka abutan pa kayo sa daan.
(naku muntik pa akong maging ipanganak sa EDSA nyek! baka pagpiyestahan pa ako dun ng mga bus driver at konduktor pati na pasahero...nako baka PASCUAL LINER pa yan ah!)
Nanay: O Sige ho! (hay salamat buti na lang sa Ospital ako pinanganak)kakausapin ko lang ho ung asawa ko.
AT nagusap nga sila ng aking Ama.
NanaY: TAy! sabi ni dok manganganak na daw ako mamaya-maya.
TataY: (siempre cool si Tatay di gaano nagpahalata ng pangamba) Ah ganun ba.. O sige bibili n lng ako ng kakailanganin. Tawagin ko na rin ung sister ko si Linda para in case na tagalan ka dito may magbabantay sa iyo. Papasok pa ako sa trabaho eh.. (o diba cool)
NanaY: Ano Iiwan mo ako?..
TaTay: ah hindi naman..in case lng na tagalan ka.
NanaY: Ah gaNO.....N Ven..mukhang manganganak na yata ako.. humihilab na...aray..ARAY...
(siguro naglulumikot ako ng mga oras na iyon gusto ko na siguro talagang lumabas...)
TataY: nakU nurse...dahil na natin ang asawa ko sa Natal Room manganganak na daw sia. Bilisan natin.. dali..

Ganap na 7:10 ng gabi..

Nkalabas ako ng maaliwalas...siguro kinaumagahan tulog ung Nanay ko at ang TAtay ko lang ang gising na sa piling na ako ng aking Ina sa may bandang kaliwang bisig. Medyo himbing ako nun...ng biglang pumasok ang Nurse na siyang kumukuha ng records ng mga sanggol na ipanganak na araw na iyon. At dahil nga sa ang TAtay ko ang gising ang Tatay ko ang pinagtanungan ng magiging pangalan ng bagong silang na sanggol....

Ganito siguro ang eksena..

Nurse: Magandang umaga ho.. (medyo mahina ang boses kasi tulog pa ako at tulog din ang aking Ina) Wow..ang cute naman ng baby boy na iyan...(eheemm..!!!)
TAtay: Siempre mana sa Ama.. (medyo nakangisi)
Nurse: Sa registrar po ako..tatanong ko lang ho kung pang ilang anak nio na iyan.
Tatay: Pangalawa, ung una lalaki din.
Nurse: Ano po ang pangalan ng BATA...
(ito na ang tagpo..... medyo nagisip pa ng unti ang Tatay Ko.. naalala nia daw ung LOLO ko..at ang kanyang mga ninuno ewan ko ba? hehehe)(medyo slow mo ung tagpo..habang ibinubuka ng tatay ko ang kanyang bibig para magsalita...unti-unti namang dumidilat ang mga mata ng aking Nanay halos magkasabay ang pagbigkas at pagmulat ) ....AT

TATAY: VIVENCIO A. ANES JR. (at iyon nagawa nga nia! hehehehe COOL!)

d ko na alam ang mga sumunod na tagpo...

hahaha nakakatawa talaga minsan ang buhay ....

FISCAL CRISIS: SERYOSO ito...

FISCAL CRISIS: SERYOSO ITO...



Minsan talaga kahit hindi ka sanay magseryoso kailangan mong gawin kasi ito ang hinihingi ng pagkakataon. Ang pagkakataong magbigay ng sariling kuru-kuro ukol sa napapanahong isyu. Minsan nga kahit sa mga tambayan, lugar inuman at mga kanto kanto na kung dati ay istorya ng kapitbahay ang bida ngayon ay ang krisis ng Pilipinas ang paksa at napaguusapan. Kanya kanyang paliwanag sa problema ng bansa ayon sa kanilang karanasan at nalalaman.
Eh sino ba naman ako para hindi makisali.... isa rin akong Pilipino at apektado ako sa nagaganap na ito.
Nung isang buwan lumabas ang balitang ang bansa ay nasa krisis na ayon sa ating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Pilipinas ay nasa gitna na ng isang FISCAL CRISIS.
Fiscal Crisis???
Naniniwala ako na kung nais natin resolbahin ang problema kailangan muna nating alamin kung ano talaga ang problema. Ano nga ba ang Fiscal Crisis? Ito ay ang pagkakaroon ng problemang pinansyal ng isang nasyon na maaring makaapekto sa pakikipagkalakal nito. Sa pagkakataong ito ang Pilipinas ay dumaranas ng problemang pinansyal (ang utang ng pilipinas mapa-panloob at panlabas ay umabot na ng 3.36 trillion pesos na ang katumbas ay 78% ng GDP o ang kabuuang kita ng economy sa buong panloob na kalakal) na "maaaring" maging sanhi ng paglubog ng ekonomiya (dahil kung magdedeklara ang pilipinas ng default o di pagbabayad sa kanyang mga utang maapektuhan ang ating ekonomiya-mawawalan ng tiwala ang investor, magsasara ang mga negosyo dahil sa walang mahinang pangangalakal, hihina ang piso laban sa dolyar at mawawalan ng trabaho ang maraming mamamayang pilipino).

Ngayon, medyo alam na natin ang kung ano ang “fiscal crisis” pero mayroon pa ring mga katanungan. Tayo nga ba ay nasa gitna ng krisis o hindi pa? Ang kasagutan ay OO tayo nga ay nasa krisis na. Ayon sa depinisyon ng CRISIS -a crucial stage or turning point in the course of something e.i "after the crisis the patient either dies or gets better"; situation of extreme danger or difficulty;
kung hihimayin ang depinisyon ng crisis ito ay nakatuon sa isang critical na estado (turning point) na maaring humantong sa isang pangyayari na maaring masaklap o maayos.Ang kahihinatnan ay nakadepende sa kung anong anong aksyon ang gagawin ng gobyerno. Kaya’t
narito ang ilan sa mga rekomendasyon ng mga UP Professors, may-akda ng "The deepening crisis: the real score on deficits and the public debt" (11 UP professors). Ang mga sumusunod ay mabisang paraan para maresolba ang krisis:

1.bawasan ng 50% ang country-wide devt. fund o mas kilala sa tawag na pork barrel ng mga kongresista.(makakatipid ng 10.7 bilyon piso)

2.bawasan ng 30% ang Internal revenue allotment- ang perang inilalaan sa mga siyudad at municipality (tipid ng 35.2bn piso)

3. dagdagan ang vat rate ng 10-12% (3.2 bn piso)

4.dagdagan ang bayad sa motor and vehicle fee (2bn piso)

5. Specific taxation sa tobacco and alcohol (14 bn piso)

6. 8% dagdag sa excise tax sa mga vehicle(3.2 bn piso)

7. P2 specific tax sa petrolyo (12 bn piso)

8. closing off tax leaks sa BIR (12.4 bn piso)

9. at iba pa paraan (10.3 bn)
KABUUANG TIPID:124.8 bn piso

Kung mapapatupad ang mga nasabing rekomendasyon ay maaring malagpasan natin ang krisis na ito nang buhay at humihinga (hehehe!)kung mapapansin niyo lahat ng mga nabanggit na solusyon ay nasa aspetong Macro o aggregate. Ito ay ang mga inaasahang gagawin ng gobyerno (kaya medyo inaasahan lang malabong ipatupad).
Ang lahat din ay inaanyayahang kumilos para sa pagresolba ng problemang Fiscal. Nung mga nakaraang buwan medyo napansin natin ang ilang kongresman na nagpaligsahan este nagbigay ng kanila kanilang pigue este pork barrel fund para sa bansang may sakit.
Pero ano naman ang magagawa ng katulad kung simpleng mamamayan lang ng bansa..? Narito naman ang aking mga maliliit na rekomendasyon...wag masyado magulat sa mga inirekomenda sumunod na lang kayo.

1. bilang isang estudyante lalo na ng PUP, pinapayuhang ko kayong mag-aral ng mabuti. Paano? alam ko alam mo na sagot dyan.
*Punta sa library-magbasa ng libro kung walang ang librong nais, pumunta sa Recto pinakamahusay na libro sa presyong abot kaya.....
*Magpaturo sa kaibigang matalino- kung ayaw niya sabihin mo ililibro mo siya ng lugaw "eat all you can" pa (applicable lng sa mga PUP student). Hindi ko maipapayong makinig palagi sa prof. kc d ako sure dun.
(ano ang koneksyon nito sa paglubog ng ekonomiya? simple lang ikaw na tumatagal ng higit 4 na taon sa PUP kong mahal ay nakakasagabal sa milyong milyong batang pilipinong gustong mkapagaral sa kolehiyo ngunit d kaya dahil sa unti lang ang kapasidad ng PUPng mahal na magpaaral dahil sa budget nito.
2.Sumunod sa batas trapiko. (sa mga dumadaan ng cubao pinapayuhan ko kayong sundin ang tamang lokasyon ng pagsakay huwag lulusot sa railings, tumawid sa ped lane, tumawid sa foot bridge, umihi sa mmda c.r. at magbayad sa jeep at bus na sasakyan. (ano koneksyon-simple! ang mmda ay may nakalaan na budget na bigay ng gobyerno kung marami ang hindi tumatawid sa mga ped lane, foot bridge at di sumasakay sa tamang sakayan mapipilitan si BF na lagyan ng kung ano anong kolorete ang tawiran para ito ay mapansin mo at doon tumawid makakadagdag ito sa hihinging budget ng MMDA. Pwede rin itong maging sanhi ng korupsiyon- kung ang isang ahensya ng pamahalaan ay huming i ng budget para sa garbage can sa kadahilanang si juan ay laging ngkakalat sa kalsada ngunit magkano lang naman ang isang yon subalit humingi sila ng isang milyon sa isang garbage can pinakahigh tech daw kc ung tipong hawak mo palang ung kalat kukunin na sa iyo un nga lang pinagbawal ng supreme court ung developer kc kamaganak ni chairman!-so pwede nating maconclude na maaari rin tayong maging sanhi ng korupsiyon.
3. Magbayad ng pamasahe sa DYIP, BUS, at iba pang pampublikong sasakyan- bakit? Bawal ngayon ang mga FREE RIDERS...

Simple lng! at least nasabi mo sa sarili mo may naitulong ka para sa bansa mo... aminin natin di tayo si Superman, si batman o kaya si Bill Gates na kayang resolbahan ng madalian ang problema natin, lalong hindi tayo si EDDIE GIL para bayaran ng buo ang utang at bigyan ng milyon bawat isang pilipino, tayo ay mga pangkaraniwang pilipino na nais guminhawa kaalinsabay sa pagtahak ng bansa natin sa kaginhawaan.

Minsan kahit na sa panahon na kailangan lahat ay seryoso, kailangan mo pa ring tumigil at huminga ng malalim, paminsan minsang ngumiti at kalimutan ang problema, pinapayuhan ring tumawa at magjoke hanggat maaari,
kung hindi
PAPANGIT KA! hahahahaha sige tawa pa...tawa pa...(oi ayaw pumangit...hehehe)